Topics Copy Trading

12 na Pinakamaganda na Crypto Copy Trading Platforms para sa mga Bagong Traders Ngayong 2022

Intermediate
Copy Trading
2022年5月22日

Parang lahat ngayon ay nag i-invest at nagta-trade sa crypto, at yung iba ay yumayaman talaga. Pero, ang matagumpay na pagbibili at pagbebenta ng crypto ay nangangailangan ng matinding pagsusuri, ensayo, at paggalaw ng parts. Mabuti na lang, hindi ibig sabihin na hindi ka na makakasali. 

Kung bago ka lang sa mundo ng crypto at wala ka pang nilaan na oras sa pag- develop ng matagumpay na trading strategy at pag-master ng mga market, ang copy trading ang magbibigay sayo ng kita katulad ng mga mayayaman. Sa guide na ito, tatalakayin natin ang ins at outs ng copy trading, pati ang pinakamaganda na crypto copy trading platforms para gawin itong 100 percent hands-off na approach.

Ano Ang Crypto Copy Trading?

Ang Crypto copy trading ay isang dynamic concept na nagbibigay sa lahat na kopyahin ang tamang mga trade ng proven cryptocurrency investors sa autopilot, na autimatikong kinokompleto ang lahat ng crypto trading process.

Sa traditional crypto trading, kailangan mong pag-aralan ang mga market, tignan ang mga charts, at suriin pa ng husto ang iyong trading decisions. At, pagkatapos makabili o makabenta ng trade, ikaw na ang mag ma-manage ng trade at e-exit sa tamang panahon.

Ibang istorya naman ang crypto copy trading. Inaalok ito para may kita sa mga crypto markets ang mga baguhan at mga passive investors. Para mag copy trade, kailangan mo lamang pumili kung sino ang gusto mong kopyahin na trader sa isa sa mga crypto copy trading na mga platform sa ibaiba, i-sync ang iyong brokerage account, at hayaang ang teknolohiya ang kumilos ng ibang gawain. Sa madaling salita, Iyon lamang ang lahat.

Bakit Kapaki-pakinabang ang Crpto Copy Trading sa mga Baguhang Trader?

Minsan, ang matagumpay na pag-tatrade ng crypto ay nangangailangan ng maraming oras at pagsusuri. Hindi lang dapat alam mo humanap ng mga “nakatago na gem” at trading opportunities, kundi dapat nagma-manage ka rin ng bawat isang trade, na mas makakakuha pa lalo ng iyong oras, at striktong pag-kontrol ng iyong emosyon.

Pero kinukuha ng Crypto copy trading ang lahat ng trabaho na ito. Hinahayaan ang lahat — kahit na ano man ang kanilang mga karanasan o kakayahan — magkaroon ng kita sa pag-invest sa crypto markets kahit hindi nilalaan ang kanilang oras. 

Beginner Friendly

May kita ba sa crypto copy trading? Ito ang isa sa mga unang katanungan ng mga tao kung tinatalakay ang copy trading. Ang susunod kung ito ba o hindi ba ito “beginner friendly.” Ang sagot sa mga katanungan na ito ay isang masigabong OO! Pero, habang ang mga kita na makukuha mo sa crypto copy trading umaasa ng malaki sa trader o firm kung saan ang trade nila ay iyong sinusunod, ang lahat ng copy trading ay sobrang beginner friendly. Hindi mo kailangan na mag-aral, magsuri, o maglagay ng mga trade. Sa copy trading, ang pag-invest sa crypto ay hindi na mas magiging madali.

A More Hands-off Approach

Kung gagawin mo ang crypto copy trading gamit ang mga plataporma sa ibaba, gagawin sayo ang lahat na naka autopilot. Ito ay tunay na hands-off approach sa pag-trade na hinahayaan ka na mag cash in sa mga crypto markets na hindi masyadong nagsusumikap at walang nasayang na oras.

Kailangan mo lang i-monitor ang mga strategies na iyong kinokopya at gumawa ng mga adjustment kung kinakailangan para magkaroon ng malaking kita at maiwasan ang pagkalugi. Kung ikukumpara sa ginagawang trabaho ng karaniwang trader – advance analysis, palaging pinapanood ang mga pangyayari sa markets – hands-off talaga ang crypto copy trading.

Maliit ang Investment

Isa pang rason kung bakit kapaki-pakinabang ang crypto copy trading sa new traders ay maliit na investment lamang ang kailangan para mag-umpisa. Sa totoo lang, sa karamihan ng mga pinakamagandang crypto copy trading na mga platform ngayon, pwede kang magsimula na mag copy trading at palakihin ang iyong brokerage account o crypto wallet na hindi hihigit sa 200$.

Mga Panganib sa Crypto Copy Trading

Kahit ang crypto copy trading ay perpekto sa new traders, at sobrang dali na magsimula, tulad ng anumang anyo ng pagta-trade, may mga kakulangan at mga panganib na dapat i-konsider.

Posibleng Ma-kopya ang mga Losing Trades

May kita ba sa crypto copy trading? Oo, sa karamihan, pero kung gaano kalaki ang iyong kita ay naka-depende sa mga pinili mong kopyahin na mga trade. Walang kasiguradohan na malaki ang kita mo sa pagkopya ng mga trade. Bilang isang copy trader, ang pinakamagandang approach ay ang pag hati ng iyong portfolio sa ilan sa mga matagumpay na mga trader. Pipigilan ka nito na umasa sa isang trader o trading strategy lamang, na maari na maglagay sayo sa piligro na mawala ang lahat ng iyong pinaghirapan.

Malabong mag “Grow” Bilang Isang Trader

Kahit sa mga pinakamagandang crypto copy trading na mga platform at strategy, mas malabong magkaroon ka ng sarili mong mga trading strategy at umasa sa mga ito. Dahil ginagawa ng copy trading madali ang pagkuha ng kita, hindi ito nagbibigay sa mga trader ng incentive para mag-aral, matuto, at lumaki bilang profitable na mga trader mismo. Kahit masaya ka sa iyong mga kita, kung aasa ka lamang sa copy trading, baka hindi mo mamamasdan ang mas malaking kita. Umuunlad ang industriya ng cryptocurrency, minsan araw-araw pa. Kung ang inaasahan mo lamang ay ang copy trading, hindi ka uunlad kung yan ang gamit mo, at maaaring hindi mo makita ang ibang lucrative opportunites.

Mga Mahal na Bayarin

Mas mahal din ang copy trading kaysa sa mag-isa mo lamang ginagawa ang pag-trade. Bagama’t ang pinakamahusay na crypto copy trading platforms at traders minsan humihingi ng resonableng mga fee para sa kanilang mga strategy at service, may iba naman na may kamahalan, at dapat i-konsider kasama ng iyong badyet bago ka gumawa ng mga investment decision.

Mga Pinakamagandang Crypto Copy Trading Platforms na Pwedeng Subukan

Lumabas na ang balita, at ang tanong kung may kita ba sa crypto copy trading ay nasagot na ng masa. Ngayon, parang ang lahat ay tumatalon papunta sa crypto para subukan at makatiyamba o makapera ng mabilis.

Pero, sa libo-libong iba’t ibang cryptocurriencies ang magagamit ngayon para mag-trade o mag-invest — at milyon-milyong mga tao ang naninigurado sa crypto, o tumatalon sa panganib — parami ng parami ang mga crypto copy trading platform at strategies na pwedeng piliin.

Habang ang pagpili ng profitable na trader na pwedeng kopyahin ay desisyon mo, hindi ka na mag-aabala pa na hanapin pa sila. Pagkatapos ng malawak na pagsusuri at pageksamin ng marming copy trading platforms, na-round up namin ang 13 sa pinakamagandang crypto copy trading platforms sa industriya ngayon.

1. Bybit – Pinakamaganda sa Lahat ng Copy Trading Platform sa 2022

Ang Bybit ay ang pinakamaganda na crypto copy trading platform sa isang simpleng rason: Pinapadali nito ang crypto copy trading. Sa Bybit, madali mong makikita ang mga traders na pwedeng kopyahin, automatikong nabubukas at nasasara ang parehong trades na isinasagawa, at tignan na lumaki ang iyong crypto balance — lahat sa isang solong, madaling gamitin na plataporma. 

Hinahayaan ng mga principal traders na gayahin ang kanilang mga strategy at trades gamit ang Bybit na platform para makakita sa kanilang ginawa. Bilang kapalit, makakatanggap sila ng 10 percent sa kinita ng kanilang mga follower. Hindi katulad ng ibang crypto trading platforms, ang Bybit ay pinagsasama ang mahusay na principal traders at mga bagong mga trader para gumawa ng win-win crypto trading experience para sa lahat.

Ngayon, hanggang sa 15 na magkaibang trading pairs, kasama ang BIT/USDT, ETH/USDT, XRP/USDT, at iba pang highly liquid pairs. Ibig sabihin na ang volume at trade execution ay minsan lang nagiging problema, na hindi naman palaging nangyayari sa ibang plataporma na hindi mo makikita sa listahan ng mga pinakamagandang crypto copy trading platforms.

Pagkatapos pumili ng principal trader na kokopyahin, kailangan mo lamang i-set ang parameters (kagaya ng iyong preferred leverage) para sa iyong copy orders. Tapos, ang lahat ng bagong copy trades ay awtomatikong sisimulan sa pamamagitan ng market order, base sa mga parameters, kaagad pagkatapos ilagay ng iyong napili na principal trader.

Pros:

• All-in-one na copy trading solution

• Advanced na tools at technology

• Leverage hanggang sa 100x para sa crypto orders

• Maraming mga educational resources

Cons:

• Maraming Fees ang possibleng dumagdag

• Hindi available sa U.S.

2. eToro – Pinakamaganda na Platform sa Social Trading

Bilang isa sa mga nangunguna sa social trading at copy trading, ang eToro ay isa sa mga pinakamaganda na crypto copy trading platforms para sa mga newbies naghahanap ng paraan para maka-connect, follow, at kumite galing sa expertise ng ibang mga trader. Sobrang orihinal pero gumagana talaga at madaling gamitin, ang crypto copy trading platform ng eToro ay nagbibigay ng ilan sa pinaka-innovative social trading na mga feature ng industriya.

At saka sa stocks, commodities at FX pairs, ang plataporma na ito ay kasalukuyang sumusuporta mahigit sa 16 cryptocurrencies. Kung gusto mo mag trade sa Bitcoin, stock ng Apple o ginto, ang eToro ang magkokonekta sayo ng madali sa mga largest social trading community sa mundo at makikita mo ang diverse range ng mga trader at mga strategy na pwede mong kopyahin.

Para mawala ang anumang pagdududa at katanungan tungkol sa kakayahang kumita ng particular crypto copy trader, makikita mo kung ilang beses na “liked” ang isang principal trader — at makikita mo rin ang mga comments na ginawa ng copy traders kagaya mo. Ang plataporma ay nagpapahintulot rin na ayusin ang iyong risk at exposure levels, para hindi ka lang umaasa sa ginagawa ng ibang trader.

Pros:

• Maganda para sa social trading

• Libo-libong mga established, verified traders na pwedeng kopyahin

• Intuitive, easy-to-use platform

• Maraming pwedeng piliin na mga supported cryptocurrencies

• Pwedeng magbasa ng comments at messages galling sa ibang traders

• User-friendly crypto wallet

Cons:

• Walang crypto deposits

• Inactivity fees at $5 withdrawal fee

• Ilang unprofessional traders

3. 3Commas – Pinakamaganda na Platform para sa Bot Trading

Ang 3Commas na copy trading platform ay nagbibigay sa kanilang mga cliyente ng plug-and-play Bitcoin at crypto trading robots. Sa loob ng kanilang trading community, ang mga propesyonal na mga trader ay nagbabahagi ng kanilang mga strategy sa iba para magtayo ng komunidad ng mga trader na nakikinabang sa isa’t isa.

Sabi nga, sa 3Commas, lahat ito tungkol sa mga bot. Bilang isa sa mga pinakamagandang crypto copy trading platform para sa bot trading, pwede mong kopyahin ang isang trade gamit ang iba’t ibang mga strategy. Kailangan mo lamang piliin ang trading strategy na gusto mong kopyahin — at ang bot na ang bahala sa iba.

Tulad ng karamihan sa pinakamagandang crypto copy trading platforms ngayon, ang 3Commas ay sumusuporta sa ilang palitan at gumagamit ng secure cold wallets para sa pag-store ng costumer funds. Sa lahat lahat, marami silang mga magaling na bots at strategies na pwedeng piliin, isang beginner-friendly na interface, at matatag ang kanilang reputasyon — na lahat ng ito ay mabuting balita para sa mga baguhang trader.

Pros:

• Maraming pagpipili-an ng mga trading bot at mga strategy

• Kumukonekta sa iba’t ibang palitan

• Active trading community

• Presyong abot kaya

Cons:

• Medyo komplikadong gamitin ng mga bagong trader

4. Shrimpy – Pinakamaganda na Platform para sa Portfolio Rebalancing

Ang Shrimpy.io, o Shrimpy lang sa karamihan, ay isang sikat na social trading platform at crypto portfolio rebalancing na tool. Masasabing isa sa mga pinakamagandang crypto copy trading platform, dahil sa uber-versatile lineup na crypto copy trading tools at resources nito, may kasama pa na easy-to-use interactive user interface, mabilis na tumutugon sa costumer support at maraming mga unique feature na hindi binibigay ng halos lahat na ibang platforms.

Hindi mo lamg maa-access ang kopya ni Shrimpy at Social trading bots, pero magagamit mor in ang iyong sariling copy trading na mga strategy at cryptocurrency index na mga funds. Sa nasabi na, ang tunay na selling point ng plataporma ay ang portfolio rebalancing tool, na awtomatikong binabalanse ang iyong portolio sa unti-unti na pagbili at pagbenta ng crypto assets base sa iyong risk/asset allocation level.

Tulad ng ilang mga ibang mga pagpipilian sa listahang ito ng mga pinakamagandang crypto copy trading platform, ang Shrimpy ay gumagana kasama ang doze-dozenang top exchange at nagbibigay ng trading acess sa lahat ng pinakamalaki at sikat na cryptocurrencies ngayon. Sa lahat ng binibigay nito, ang Shrimpy ay isang makapangyarihan na tool na medyo mahirap talunin.

Pros:

• Awtomatiko na portfolio rebalancing

• Crypto copy trade bots at tool na libreng gamitin

• Custom index creation at management

• Sumusuporta sa mga multiple cryptocurrency at exchange

• Desente na referral program

• Madaling gamitin, kahit matatag ito

Cons:

• Walang trading terminal o mobile app

• Mas mabuti sana kung may trading bot scripting

5. Pionex – Pinakamaganda na Platform para sa mga Trader na Maliit ang Budget

Ang Pionex™ ay isa sa mga pinakamaganda na crypto copy trading platform para sa cash-strapped traders na maliit ang budget. Bakit? Syempre, dahil ito ay 100 porsyento na libre!

Sa Pionex, meron kang 16 na libreng crypto copy trading na mga bot na pagpipilian, na makakatulong sayon a makita ang kita bago ka mag desisyon sa iyong nagustuhan na trading strategy. Kailangan mo lamang ibigay ang iyong email, at pwede ka nang magsimula gamit ang awtomatiko na trading software ng phoenix para makakita sa unang araw pa lang.

Kaya, kung ikaw ay bago pa lamang sa crypto trading game at maliit ang iyong oras (at kahit na mas maliit sa crypto o mga pondo), tiyak na tignan mo ang platapormang ito.

Pros:

• Talagang libre gamitin

• Daan-daan ang sinusuportahan na cryptocurrencies

• 16 built-in trading na mga bot at at mga stratehiya

• Intuitive at madaling gamitin

Cons:

• Hindi ka makakahalubilo sa ibang members ng platapormang ito

• Questionable regulatory status

6. Kryll – Pinakamaganda na Platform para sa Strategy Building

Binibigay ng Krylle ang lahat ng kailangan para sa isang maganda na crypto copy trading platform. Sa oras na magsimula ka ng libreng account at pumili ng mga stratehiya na gusto mong kopyahin, awtomatikong tapos na ang lahat. Meron pa silang mga app para sa iOS at Android na mga device, at may trading community din na kung saan pwede kang bumili o magpalit ng mga trading strategy sa iba.

Gayunpaman, ang nagustuhan talaga namin sa Kryll ay ang kanilang Drag ‘n Drop na strategy builder. Dahil dito, madali mong magagawa ang kahit ano na trading strategy, i-automate ito at ilagay ito sa pageksamin, kaya ang Kryll ang isa sa mga pinakamagandang crypto copy trading platform sa ngayon.

Pros:

• Pagpipilian sa Bitcoin at crypto copy trading na mga bot

• Malakas na strategy editor

• TradingView integration

• Walang limitasyon na back-testing

• Aktib na trading community

• iOS at Android mobile na mga app

Cons:

• Walang two-factor authentication

• Dapat gamitin ang KRL token

• Reasonable ang mga fee, pero posibleng dumagdag

7. Coinmatics – Pinakamaganda na Platform para sa Crypto Copy Trading Flexibility

Inilabas noong 2018, ang Coinmatics ay napabilang sa isa sa mga napakaganda na crypto copy trading na mga platform sa mga terms ng trading option at flexibility. Habang ang crypto copy trading platform na ito hindi ka hinahayaan na awtomatikong kopyahin ang mga trade ng individual traders, pwede mo pa rin itong gamitin para kopyahin ang tiyak na crypto copy trading strategies. Kaya, ano bai tong flexibility na pinag-uusapan natin? Ang kakaibang bagay sa Coinmatics ay hinahayaan ka nito na gawin ang awtomatiko at manwal na copy trading.

Ibig sabihin nito na kung may nakita kang strategy na talagang gusto mo, pero gusto mo ang higit na control sa panganib, maaari mong gamitin ang plataporma bilang provider ng mga signal. Pwede kang mag-enter at mag-exit ng iyong trades sa manwal na paraan para i-lock in ang kita — na hindi kailangan na tanungin ang sarili kung may kita bas a crypto copy trading.

Pros:

• Parehong manual and automatic copy trading na mga mode

• Walang limitasyon na free trial

• User-friendly interface

• Walang mga fee sa unang $2,500 na na-trade

Cons:

• Hindi ma kopya ang indibidwal na mga trader

• 4 lang ang palitan na sinusuportahan

• Walang social trading tools

8. CopyMe – Pinakamaganda na Platform sa Pagkopya ng Maraming mga Trader

Ang CopyMe ay isang magandang copy trading platform na nagpapakopya sa mga matagumpay na crypto trading strategy kung sinuman ang naghahanap. Ang U.S.-based platform na ito ay pwedeng gamitin para makita ang iniisip nang trading professionals at walang kahirap-hirap na sundin ang kanilang mga strategy.

Hindi tulad sa ibang mga trading platforms na napag-usapan sa guide na ito, hinahayaan ka ng CopyMe na sabay-sabay kopyahin ang mga trade ng maraming mga trader. Pwede kang maglagay ng tiyak na halaga sa kada eksperto at iba-ibahin ang iyong account, kaysa paglagay ng lahat sa isang basket lamang.

Maraming mga filters rin ang platform na ito, na nagpapahintulot sa iyo na piliin ang bagay na trading professional para sa iyong risk appetite at trading goals. Sa kasamaang palad, habang walang trading fees or mga komisyon dito, lahat ng ito ay may kasamang hindi gaanong mura na presyo na $40/month.

Pros:

• Walang limitasyon na mga trader ang pwedeng sabay-sabay kopyahin

• Maraming pagpipilian na mga filler

• Pwede kang maglagay ng mga pondo at iba-ibahin ang iyong portfolio

• 24/7 customer support

Cons:

• 3 lang ang sinusuportahang palitan

• Wala masyadong impormasyon tungkol sa security protocols at maintenance

• Hindi ang pinakamurang crypto copy trading na pwedeng piliin

9. Gate.io – Pinakamaganda na Platform para sa Leveraged Trading

Ang Gate.io ay isang kilala na palitan ng cryptocurrency na itinatag noong 2013. Magagamit ito ng mga trader sa buong mundo, kasama na ang U.S. bilang Gate.us, at umaalok ito ng 1,600+ na mga crypto trading pair para sa spot copy trading at 33 na pares para sa futures copy trading, na talagang kahanga-hanga.

Kahanga-hanga rin ay ang margin na binibigay ng Gate.io para padamihin ang kita ng mga user. Hanggang sa 10x na leverage ang binibigay para sa spot trades, at hanggang sa hindi kapani-paniwala na 100x para sa forture contracts, parehong mas higit pa para masakop ang 5% na kuha sa iyong kita sa mga trader na kinokopya mo.

Pros:

• Hanggang sa 100x ang leveraged trading

• Malaking pagpipilian ng mga trading pair

• Madaling gamitin na copy trade feature

• Mahabang kasaysayan at matatag ang reputasyon

Cons:

• Pagpapabuti ng user interface at mobile app ay kailangan

• Makatwiran ang mga trading fee, pero hindi pinakamura

10. MoonXBT – Pinakamaganda na Platform para sa Speedy Trade Execution

Maaaring ito ay medyo bago sa eksena ng crypto, pero ang MoonXBT ay gumagawa na ng kaniyang pangalan bilang mataas na crypto trading platform, at dahil ito sa limitless capabilities at excellent deals ng platform na ito. Ang platform ay maaaring gamitin mahigit sa 200 countires, at ito ay kilala para sa unique light trading contract nito.

Hindi tulad sa ibang mga pinakamaganda na crypto copy trading platform, ang MoonXBT ay nagagarantiya ng high liquidity. Ito, kasama ang one-of-akind contract structure ng plataporma, ay may resulta sa ilan na pinakamabilis na pag-process ng transaction sa industriyang ito.

Kasabay ng isang bagong idinagdag na copy trading function, ito ay isang mahusay na platform sa pagrereplika ng trading result ng mga profitable season trader.

Pros:

• Garantisadong high liquidity

• Mabilis na transcation process

• Walang deposit fees

Cons:

• Medyo bago ang platapormang ito

• Maliit lamang ang magagamit na cryptocurrencies

11. WunderTrading – Pinakamaganda na Platform para sa isang Super clean UI

Ang WunderTrading ay isa pang crypto copy trading solution na innovative na siguradong nararapat na may puwesto sa listahang ito. Ito ang lugar kung saan ang mga bagohang crypto investors makakatuto ng mga rope sa pamamagitan ng pagawa ng kanilang sarili ng mga automated treading strategy at bot, o sa direkta na pagkopya ng trade sa mga experienced cryptocurrency traders. Ang WunderTrading na plataporma ay sumusuporta sa ilang top crypto exchanges, kagaya ng Binance, FTX, FTX US, Kraken, KuCoin, Bybit, OKX, Deribit at marami pang iba. Gayunpaman, ang talagang kakaiba sa WunderTrading ay ang magandang user interface nito. Simple lang ito, malinis, at sobrang dali na gamitin, kahit sa mga bagohan.

Pros:

• Sobrang simple, malinis, at makabago ang desenyo

• Maayos na pagpipilian ng supported na mga palitan

• May Transparent trader na nagta-track ng mga record at statistics

• Makakagawa ng bots base sa TradingView strategies

• Libre sa unang buwan

Cons:

• Lumalaki ang user base nito, pero maliit parin

• Medyo mabagal ang customer support

12. Zignaly – Pinakamaganda na Platform para sa Profit Sharing

Sa ngayon, ang crypto copy trading tool ng Zignaly ay ginagamit ng humigit-kumalang sa 100,000 crypto na mga investor na may $75 million na combined link balances. Itong simple, results-driven tool ay hinahayaan ka na madaling pumili at kopyahin ang mga expert na mga crypto trader at kumite ng dahil sa kanilang mga strategy. Gayunpaman, ang nagpapaiba talaga sa Zignaly ay ang opsyonal na profit-sharing feature. Dahil sa advanced tool na ito, ang mga crypto investor ay makakakopya ng mga trade hanggang 100 na mga expert trader — at babayaran mo lamang ang mga trading fee kung kumite ka galling sa mga closed position. Hinahayaan ka nito na ibahagi ang iyong kinita, habang pinaliit nito ang gastos na mula sa iyong bulsa.

At saka, walang minimum na halaga ang pag-iinvest sa Zignaly, at pwede kang gumamit ng isang bot lamang o ikalat ang iyong pondo kahit gaano pang kadami na “pro” traders na iyong gusto.

Pros:

• Madaling gamitin

• Maraming trading options

• Natatangi na profit-sharing feature

• Maraming pagpipilian na mga trader at signal provider

• Flexible trading fees

Cons:

• Walang demo account o mobile app

• Kaunti lamang ang compatible na palitan

• Hindi magagamit sa U.S.

Ang Bottom Line

Kaya, ayan. Sa daan-daan na magkaibang crypto copy trading na mga plataporma na pwedeng piliin ngayon, bawat isa sa mga pagpipilian sa taas ay nagbibigay ng isang bagay na kakaiba at angat sa iba.

Kung ikaw ay nasa social trading, nagsisimula at maliit ang badyet, o gusto mong kumite habang nag-aaral na bumuo ng iyong sariling mga trading strategy at mga bot, merong isang copy trading platform ang para s aiyo. Ang pagdedesisyon ng tamang plataporma ay nasa iyong indibidwal na mga gusto, kailangan, at mga layunin sa pagta-trade lamang.